Thursday, August 4, 2011

Christopher Lao's statement

Below is the statement of Christopher Lao posted on Facebook page who asked for justice against cyber bullying.

Justice for Christopher Lao "Stop Cyber Bullying"

OPISYAL NA PAHAYAG NI CHRISTOPHER LAO Ika-4 ng Agosto 2011 Ang mga nakaraang araw ay nakapanlulumo para sa akin at sa aking pamilya. Alam ninyong lahat kung paanong naging laman ako ng kumakalat na video na nagpakita ng aking kahinaan sa sitwasyong hindi kanais-nais. Sa kasalukuyan, may mga hate pages sa Facebook at Twitter na naglalaman ng mapangmata at masasakit na mensaheng umatake sa aking pagkatao. Sadyang nasira ang reputasyong pinaghirapan kong ipundar sa loob ng maraming taon. Ang isa lamang hindi magandang araw ay naging dahilan na ng mga nasaktang damdamin at mahahabang gabi para sa akin at sa aking pamilya. Nanahimik ako nitong mga nakaraang araw sa kagustuhang mapalipas kaagad ang usaping ito, pero hindi ko maaaring palipasin ang pagkakataong humingi ng paumanhin at magbigay pasasalamat sa mga taong totoong mahalaga sa akin. Nais kong humingi ng paumanhin sa aking inasal na nasaksihan ng bayan sa pamamagitan ng telebisyon at internet. Nakalulungkot na nakuhanan ako ng kamera matapos ang isang gipit at tensyonadong sitwasyon. Muli, nais kong pasalamatan ang mga taong matapang na lumusong upang tulungan ang isang estrangherong gaya ko. Ipinaalaala ng kanilang kawanggawa na maaasahan din ang mga Pilipino sa panahon ng krisis. Higit sa lahat, pinasasalamatan ko rin ang aking pamilya, mga kaibigan at lahat na nagpakita ng simpatiya, konsiderasyon at suporta sa gitna ng pagsubok na ito. Binigyan ninyo ako ng lakas at tapang upang magpakatatag at maging isang mas mabuting tao.

Gumagalang, Christopher Lao

Here's GMA News video during Christopher Lao's unforgettable moment.

No comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...